Iginiit ng Malacañang na wala itong natatanggap na anumang impormasyon kaugnay ng umano’y destabilization efforts laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isang press briefing ngayong Martes, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na wala silang naririnig na plano upang pabagsakin ang gobyerno.

Ayon kay Castro, matagal nang umiikot ang naturang mga usapin at batid umano ng Palasyo kung saan nagmumula ang mga ito.

Hinimok din niya ang publiko na maging mapanuri at mapagbantay laban sa pagkalat ng fake news.

Advertisement

Dagdag pa ni Castro, alam umano nila kung sino ang nais umanong mailuklok sa puwesto kaya patuloy ang pagkalat ng naturang mga balita.

Samantala, sinabi rin ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. na wala silang namomonitor na anumang destabilization efforts sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Inilahad ito ni Teodoro sa gitna ng usapin hinggil sa posibleng impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Patuloy namang nananawagan ang pamahalaan sa publiko na suriing mabuti ang mga impormasyong lumalabas online upang maiwasan ang paniniwala sa maling balita.

Advertisement