NAGA CITY- Nagpapatuloy ang pamamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa lungsod ng Naga.

Kung saan, ngayong araw Oktubre 27, 2024, personal na bumisita sa lungsod ang isang Senator upang mamahagi ng tulong sa mga kababayang nasalanta ng nasabing bagyong.

Sa isang post ni Naga City Mayor Nelson Legacion, dala ng senador ang kartung kartong family food packs at drinking water.

Pinasalamatan ng alkalde ang senador sa personal na pagbisita nito sa lungsod at sa pakikiramay sa mga apektado ng bagyo at sa mga nananatiling lubog sa baha at mga stranded na pasahero

Aniya, malaking bagay ang malasakit ng senador sa mga nangangailangan sa panahon ng kalamidad

Kamakailan lang din nang bumisita sa lungsod si Pagulong Bongbong Marcos Jr. at namahagi rin ng cash assistance na nagkakahalagang P30-M upang maabutan ang lahat na apektado ng bagyo

Nag-anunsyo rin ang Presidente sa kanyang social media account kahapon, na 4 na trak ng bigas mula sa National Food Authority at Food Terminal Incorporated ang dumating sa Naga para sa mga biktima ng bagyong kristine

Samantala, patuloy naman ang pagpaabot ng mga tulong ng iba’t ibang ahensya sa ilang lugar sa lungsod pati na rin sa ibang lugar sa Camarines Sur na nananatiling lubog pa rin sa baha tulad ng Camaligan, Gainza, Canaman, Bula at iba pa.

Kaugnay nito namahagi naman ng tulong ang PRO5 sa mga residente ng Gainza, Camarines Sur na naapektuhan ng Bagyong Kristine sa paraang pagbaba ng mga relief goods sa rooftop.