Photo © web

Ipinahayag ng International Criminal Court (ICC) ngayong Biyernes ng umaga ang pampublikong bersyon ng tugon ng legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga isyu ng prosecution sa mga kumpidensyal na impormasyon.

Ayon kay Atty. Nicholas Kaufman, pangunahing abogado ni Duterte, tiniyak niyang ang ilang indibidwal na nabanggit sa kumpidensyal na kahilingan ng prosecution ay “hindi nakatanggap at hindi makakatanggap ng anumang impormasyon sa kasong ito”; “hindi nakatanggap at hindi magkakaroon ng access sa anumang non-public filings”; at “hindi rin entitled sa legally privileged meetings o ibang komunikasyon kay Duterte sa Detention Centre.”

Binigyang-diin ni Kaufman na hindi niya ikinakahiya ang naturang kahilingan at hindi niya tatanggapin ang anumang insinuasyon na lumalabag siya sa Article 8 ng Code of Professional Conduct.

Pinuna rin niya ang prosecution sa kanilang “walang humpay na pagsusuri sa coverage ng media ukol sa kasong ito” at iminungkahi na “huwag basta maniwala sa nababasa sa pahayagan—maliban kung tungkol sa innocence ni Duterte.”

Advertisement
Advertisement