NAGA CITY – Tuluyan ng sinuspinde ng Simbahang Katolika na magsagawa ng mga gawaing klerikal si Fr. Granwell “Dawe” Pitapit matapos na magfile ito ng kanyang certificate of candidacy noong Oktubre 8, 2021.

Kasama sa mga ipinagbabawal na isagawa ng dating pari ang pagmimisa at iba pang mga aktibidad na may kaugnayan sa simbahan.

Kung maaalala, isa si Fr. Pitapit sa mga nagpasa ng kanyang Certificate of Candidacy para sa pagkaalkalde ng bayan ng Libmanan.

Mahigpit naman na ipinagbabawal ng simbahan na sumali o tumakbo sa anuman na posisyon sa pamahalaan ang mga pari.

Sa ipinalabas na circular ng Arcdiocese Libmanan, nakasaad dito na ang nasabing suspension ang irreversible at pinagbabawal rin dito ang pagbabalik sa serbisyo ni Pitapit.

Sa kabila nito, kahit na pinapayagan ng sumali at maging bahagi ng mga sekular na aktibidad na walang kaugnayan sa simbahan, hindi pa rin nito naiipawalang bisa ang ilan sa mga sinumpaan ni Pitapit bilang pari, katulad na lamang ng celibacy o ang pagbabawal na magkaroon ng asawa.

Maaalala, nagsilbi si Fr. Pitapit bilang pari sa loob ng 20 kung saan huli itong na-assign sa bayan ng Libmanan hanggang sa magdesisyon ito na umalis sa serbisyo at tumakbo bilang alkalde.