Nasa 400 na ang mga alagang hayop na nabakunahan sa nagpapatuloy na pet vaccination activity sa Barangay Concepcion Pequeña, Naga City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga, sinabi ni Kagawad Claro Divizon na halos dalawang linggo nang isinasagawa ang pagbabakuna at magpapatuloy pa ito sa mga susunod na linggo.
Isinasagawa ang aktibidad sa tulong ng limang grupo na binubuo ng tigpipitong beterinaryo habang hinihintay ang pagdating ng karagdagang mga beterinaryo.
Ayon kay Divizon, layunin ng programa na mahikayat ang mga residente na maging responsable sa pangangalaga ng kalusugan ng kanilang mga alagang hayop.
Advertisement
Advertisement








