Sa kanilang bilateral meeting sa Malacañang ngayong Martes, nagkasundo sina President Ferdinand Marcos Jr. at President Frank-Walter Steinmeier na lalo pang palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at Germany sa mga pangunahing larangan tulad ng depensa, peacebuilding, kooperasyong pandagat, kalakalan, at pamumuhunan.
Tinalakay din ng dalawang lider ang mga hakbang laban sa climate change, pagpapaunlad ng renewable energy, at pagpapalawak ng people-to-people exchanges. Nagpalitan din sila ng pananaw tungkol sa mga kasalukuyang isyu sa rehiyon at sa mas malawak na pandaigdigang usapin.
Pormal na tinanggap ni Pangulong Marcos si President Steinmeier sa Malacañan Palace para sa opisyal na pagbisita. Ayon sa Pangulo, makasaysayan ito dahil ito ang unang pagbisita ng isang German head of state sa Pilipinas sa loob ng 63 taon, mula pa noong 1963 nang bumisita si dating Pangulong Heinrich Lübke.
Kasama rin ni Marcos ang kanyang Gabinete sa pakikipagpulong sa delegasyon ng Germany, na binigyang-diin niyang kapareho ng Pilipinas sa adhikain at paninindigan sa mga pandaigdigang isyu.














