Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na natapos na ang mandato ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) habang pinagsasama-sama nito ang mga natuklasan para sa kanilang final report kaugnay ng anomalya sa flood control projects.

Ayon kay Marcos, kasalukuyang kino-kolasyon ng ICI ang lahat ng kanilang findings bago ito isumite sa Department of Justice at Ombudsman, depende sa kung aling ahensya ang naaangkop.

Ipinahayag ng Pangulo na sa kasalukuyan, natapos na ang pangunahing tungkulin ng ICI, na itinatag noong Setyembre 2025 kasunod ng publiko at malawakang pangamba sa multi-milyong katiwalian sa flood control projects.

Sa kasalukuyan, ang ICI ay may iisang commissioner lamang, si retired Justice Andres Reyes Jr., matapos magbitiw sina Rogelio “Babes” Singson at Rossana Fajardo dahil sa personal at health reasons at matapos ang kanilang mandato.

Advertisement
Advertisement