Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makakatanggap ng tig-P2 million ang mga Filipino athletes na sumabak sa 2024 Paris Olympics habang nasa P500,000 naman ang matatanggap ng coaching staff.
Ang nasabing kapahayagan ang kasabay sa isinagawang Pagbibigay Dangal sa nasabing mga atleta.
Kaugnay nito, ang P1 million na ibibigay sa mga Olympians ay mula sa Office of the President habang ang karagdagang P1 million naman ay mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation.
Samantala, iginawad naman ng Pangulo ang Presidential Medal of Merit sa first-ever Olympic double gold medalist na si Carlos Edriel Yulo at ang cash incentive na nagkakahalaga ng P20 million mula sa Office President at PAGCOR.
Muli namang tiniyak ng Presidente ang tulong para sa lahat ng mga Filipino athletes at nangako na ibibigay ang anuman na kanilang mga pangangailangan.