Kumpirmado nang darating sa lungsod ng Naga si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr sa darating na Pebrero 21 upang pangunahan ang paglunsad nang Oplan Kontra Baha.
Kaugnay nito sa pangunguna ni Naga City Mayor Leni Robredo, naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng Naga sa pagdating ng Presidente.
Ang paglulunsad nang Oplan Kontra Baha ay programa ng national government upang masolusyunan ang mga problema sa pagbaha sa mga lugar gaya nang Naga City na kasama sa mga lugar sa Bicol Region na binabaha tuwing mayroong malalakas na pag-ulan at mga bagyo.
Sa impormasyon na ipinaabot ni Mayor Leni Robredo mayroon nang koordinasyon at komunikasyon mula sa opisina nang Presidente at kinumpirma na sa darating na Pebrero 21, 2026 ang itinakdang araw sa pagdating ng Pangulo ng bansa.
Kasama nito ang mga miyembro ng Gabinete upang deriktang mapag-aralan at makita ang mga strategic na lugar para sa pagpapatrabaho sa flood control infrastructure at patrabaho para sa pag clear ng mga natural waterways at masiguro ang husay nang implementasyon nito at matapos upang mapakinabangan ng publiko.
Noong nakaraang Miyerkules, bumisita ang mga taga DPWH Bicol at 3rd engineering district ng DPWH camarines sur, tauhan ng city engineering office at city officials sa site na bibisitahin ni Presidente Marcos Jr para naman sa nakatakdang paglunsad dito nang nasabing programa at pagconstruct ng mga proyektong nasabi na isa lamang sa mga hakbang na makakatulong sa pagresolba sa problema sa pagbabaha.
Isa sa mga site na binisita ay malapit sa esplanade sa may Bicol River dahil malaki ang lugar.
Una nang sinabi ni Pangulong Marcos Jr na magpapatuloy ang gobyerno sa paghahanap nang mga paaran upang ma-address ang problema sa pagbaha sa buong bansa.
Ang Oplan Kontra Baha” (OKB) ang ini-implement sa mga natukoy na flood-prone areas upang ma- mitigate an epekto nang pagbaha lalo tuwing tag-ulan o rainy season.
Patuloy din ang isinasagawang declogging, dredging, at iba pa sa mga ilog, canal at iba pang waterways sa flood-prone areas upang mabawasan ang problema.
Iniutos rin ng Presidente ang striktong implementasyon at expansion nang Oplan Kontra Baha upang matiyak ang kahandaan nang gobyerno sa panahon nang tag-ulan.
Sa ngayon, tiniyak na lamang ni Mayor Leni Robredo na handa ang buong Naga City sa pagdating nang Pangulo ng bansa.













