NAGA CITY – All set na ang Provincial Capitol Grounds ng Camarines Sur para sa inaasahang pagdating ni Presidente Ferdinand Marcos Jr ngayong araw, Hunyo 7, 2024.
Inaasahan kaya na darating ang pangulo upang pangunahan ang pamamahagi ng tulong para sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng El Niño sa lalawigan.
Kaugnay nito, kagabi pa lamang, Hunyo 06, 2024 naka heigtened alert na ang kapulisan habang kaninang madaling araw naman i-deneploy ang kanilang mga tauhan upang magbigay seguridad sa Capitol Grounds maging sa mga lugar malapit dito.
Samantala, nagkaroon na rin lockdown sa lugar upang maiwasan na ang paglabas at pagpasok ng mga tao sa area para na rin sa seguridad ng mga tao na makikiisa sa nasabing event.
Sa ngayon, hinihintay na lamang ng mga nakiisa sa event ang pormal na pagsisimula ng nasabing programa.