Umaasa ang Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) na agad na maipalalabas ang Interpol Red Notice laban sa puganteng si Zaldy Co, kahit kumpirmadong wala na ito sa kustodiya ng Czech Republic.

Ayon kay PCTC Executive Director Romeo Prestoza, naisumite na sa Interpol Secretariat ang lahat ng kinakailangang dokumento upang maisulong ang paglalabas ng Red Notice laban kay Co.

“We have already sent it to the (Interpol) secretariat… and we expect that… they can eventually grant us the red notice,” pahayag ni Prestoza sa press briefing ng Department of Justice (DOJ) sa Prague noong Lunes.

Ipinaliwanag ni Prestoza na mahalaga ang Red Notice upang mapadali ang paghahanap at pag-aresto kay Co, na nahaharap umano sa mabibigat na kasong kriminal.

Advertisement

Samantala, sinabi ni Acting Justice Secretary Fredderick Vida na nakipagpulong na siya sa mga opisyal ng Czech Republic, na nagkumpirmang wala na sa kanilang kustodiya ang dating mambabatas.

Ayon sa mga opisyal ng Czech Republic, hindi rin nila matukoy ang kasalukuyang kinaroroonan ni Co at tumanggi silang magbigay ng karagdagang detalye hinggil dito.

Advertisement