NAGA CITY- Mas dadami aniya ang pera ng mga residente ng Florida, USA sakaling manalo ang Republican kumpara sa Democrat pagdating sa US Presidential Elections.

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Lorna Aguirre, sinabi nito na halos lahat aniya ng nakatira sa naturang estado ay mga tagasuporta ng Republican.

Isa rin aniya ang Florida sa pitong malalaking estado sa United States of America na pinaglalabanan ng Presidential Candidates dahil karamihan dito ay mga sikat at mayayaman.

Dagdag pa nito, ang Florida aniya ay hindi katulad ng ibang estado gaya ng Miami, Los Angeles at ibang lungsod na magugulo dahil sa magkakabilang mga riot at protesta.

Samantala, sa kabila ng nagpapatuloy na early election sa naturang bansa, hindi naman aniya nito apektado ang kanilang pamumuhay dahil sa COVID-19 pandemic.