NAGA CITY- Personal na galit ng suspek ang tinitingnang motibo sa pamamaril-patay kay dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Mababatid, kahapon dakong alas-11:30 ng umaga, oras sa Japan, habang nagtatalumpati sa isang campaign event ang dating opisyal, nang bigla na lamang may umalingawngaw na putok ng baril at maya-maya lamang ay bumagsak na si Abe.

Sa ulat ni Bombo International News Correspondent Hershey Nazrishvili sa Bombo Radyo Naga, sinabi nito na ang nahuling suspek na kinilalang si Tetsuya Yamagami, 41-anyos ay dating miyembro ng Japan maritime self defense course.

Ayon pa kay Nazrishvili, dahil umano sa frustration at hindi pagka-satisfied sa serbisyong ibinigay ni Abe nang ito ay nasa pwesto pa bilang Prime Minister, ang dahilan kung kaya nagawa ng suspek ang naturang krimen.

Advertisement

Aniya, noon pa many ay may intensyon na umano si Yamagami na paslangin si Abe gamit ang isang hand made na baril.

Kasali pa sa tinitingnang anggulo ng mga awtoridad na posibleng may koneksyon sa ibang grupo ang naturang suspek.

Dagdag pa ni Nazrishvili, labis naman ang pagkabigla ng mga locals sa Japan sa nangyari dahil kilala ang bansa na mahigpit sa gun rules.

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.

Advertisement