NAGA CITY– Hinamon ngayon ng 9th Infantry Division, Philippine Army ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na payunayang seryoso ang mga ito sa pagtulong sa mamamayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Capt. Ronnie Madrinian, sinabi nitong kung totoong seryoso ang mga rebelde sa kanilang pagmamalasakit sa kapwa, dapat na mag-abot ang mga ito ng tulong para sa mga resideng naipit ng kaguluhan sa lungsod ng Marawi.
Maliban sa mga rebelde, nanawagan din si Madrinian sa mga militanteng grupo na mag-abot ng kahit konteng tulong sa nasabing lungsod.
Kung maaalala, sabay-sabay na nag-ipon ng mga bigas, mga pagkain at iba pang pangangailanagan ng mga tao ang mga lokal na pamahalaan, mga public and sectors, mga ahensya ng gobyerno at iba pang stakeholders na pinangunahan ng 9th ID para ibigay sa Marawi City.
Ang nasabing pag-iipon ng tulong ang ginawa sa iba’t ibang lalawigan ng Bicol na nagsimula pa noong mga nakaraang linggo.