Naghahanda na ang Philippine Coast Guard Station Camarines Surpara sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong darating na Semana Santa at summer vacation.

Sa panagayam ng Bombo Radyo Naga kay LTJG Eidderf Lloyd Olea, Spokesperson ng PCG Camarines Sur, sinabi nito na nag-deploy na sila ng karagdagang tauhan sa mga coastal areas at sa Port of Pasacao upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng mga pasahero.

Pinaliwanang naman ni Olea na sa biyahe ng mga roll-on/roll-off (RORO) vessels, nananatili pa rin ang regular na operasyon sa Pasacao. Gayunpaman, inaasahan ng mga pasahero ang pagtaas ng pamasahedahil sa patuloy na krisis sa presyo ng langis.

Kasabay ng mas mahigpit na seguridad, ipinatutupad ng Coast Guard ang mga bawal dalhin sa pantalan lalo na kung walang kaukulang dokumento. Binanggit din nila na mas paiigtingin ang inspeksyon ng mga barko sa tulong ng Maritime Safety Services Unit (MSSU) at ng mga organic personnel ng Coast Guard Substation Pasacao.

Advertisement

Dagdag pa nito,katuwang ang kanilang mga auxiliaries na may kasamang mga nurse, doktor, at divers upang masiguro ang kaligtasan ng publiko sa mga coastal areas. Tatlong squadron ang nakatalaga para sa summer deployment.

Nanawagan ang si Olea sa mga biyahero na mag-book at magplano ng maaga upang maiwasan ang pagsisiksikan at posibleng pagka-stranded sa pantalan. Paalala rin nila sa mga shipping companies na makipagtulungan sa pagpapatupad ng mga regulasyon para sa kaligtasan ng lahat.

Advertisement