NAGA CITY-Pinayuhan ng Philippine Embassy sa Egpyt ang lahat ng mga Pilipino o mga Overseas Filipino Workers na nasa bansang Sudan na manatili sa loob ng kanilang mga tahanan habang nagpapatuloy ang kaguluhan o labanan sa pagitan ng military sa Sudan at paramilitary Rapid Support Forces (RSF) habang inihahanda ng kanilang tanggapan ang pagpapauwi sa mga nais nang umuwi sa Pilipinas.
Matatandaan, umusbong ang labanan sa pagitan ng military sa Sudan at paramilitary Rapid Support Forces (RSF) sa pagnanais ng RSF group na makuha ang kontrol ng gobyerno.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay DFA UnderSecreatary for Migrant Workers Affairs Eduardo De Vega, sinabi nito na walang naitalang Filipino casualty kaugnay sa nasabing labanan maliban sa isang indibidwal na tinamaan ng stray bullet sa braso na sa ngayon ang nasa mabuti nang kalagayan.
Aniya, sa kasalukuyan hindi naman tinatarget ng dalawang panig ang mga civilian at nananatili pa rin ang internet connection magin ang kuryente lalo na sa kabisera ng nasabing bansa na Khartum na sentro ng labanan.
Dagdag pa ni USEC. De Vega umabot sa nasa 500 na mga Pilipino ang komuntak sa kanilang tanggapan magin sa Embahada ng Pilipinas kung saan 100 dito ang nais nang umuwi sa bansa dahil sa takot na nararanasan. Sa nasabing bilang maituturing na ang mga Pilipinong nasa Sudan ngayon ang mga high paying job tulad ng mga engineers, teachers at iba pa.
Ayon pa sa opisyal pinag-iisipan na ng DFA ang pagrerenta ng mga sasakyan para sa transportatuon purposes ng mga Pilipinong nais nang umuwi papuntang Egypt kung saan sa nasabing lugar maaari nang makalipad pauwi ng Pilipinas. Matatandaan kasi na sarado ang mga paliparan sa bansang Sudan dahil sa epekto pa rin ng walang humpay na labanan kahit mayroong 24 hours ceasefire.
Samantala, para naman sa mga Pilipino na humihingi ng tulong gaya ng pagkain, mayroon umanong Honorary Consul na siya namang naghahanap o nagco-contact ng mga Establishments upang mapadalhan ang mga ito ng kanilang supply.
Kaugnay nito, tiniyak ni USEC. De Vega na nagpapatuloy ang kanilang isinasagawang hakbang upang walang madamay na Pilipino sa nasabing kauluhan kahit pa hindi makapasok ang kanilang mga tauhan sa bansang Sudan.
Sa ngayon, pakiusap na lamang ni De Vega sa lahat ng mga Pilipino na naiipit sa labanan na pakinggan ang Philippine Embassy sa kanilang mga payo at sumunod sa mga patarakaran upang maiwasang mapahamak.