NAGA CITY- Nakatakdang humarap sa sesyon regular ng Sangguniang Panglungsod ang mga representate ng Philvocs- Bicol.
Layunin nito na ma-update ang presenteng kondisyon ng Mt. Isarog na sakop ng Naga City at iba pang bayan ng Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Naga City Councilor Lito Del Rosario, sinabi nitong nais nilang malaman ang kasaalukuyang karakter ng Mt. Isarog.
Nabatid na ang Mt. Isarog ang isa sa ikokonsiderang aktibong bulkan sa bansa na una nang nagpakita ng abnormalidad 2,500 taon na ang nakakaraan.
Ayon kay Del Rosario, kikailangan na dumaan muna ang 10,000 years bago masabi na inactive ang isang bulkan.
Napag-alaman na una nang naglagay ng monitoring system ang Philvocs sa bayan ng Ocampo at Goa bilang bahagi ng kanilang pagbabantay sa Mt. Isarog.
Samantala, ayon naman sa Konsehal, malaking tulong ito sa mga mamamayan upang maalaman at mapaghandaan ang mga hindi inaasahang insidente.