Pinabulaanan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Huwebes ang kumakalat na impormasyon sa social media na nagsasabing pumutok ang Bulkang Hibok-Hibok sa Camiguin, at nilinaw na wala itong naitatalang aktibidad at nananatili sa Alert Level 0.

Ayon sa Phivolcs, walang anumang ebidensya o monitoring data na magpapatunay ng pagsabog o abnormal na aktibidad sa Bulkang Hibok-Hibok. Giit ng ahensya, nananatiling normal ang kondisyon ng bulkan at hindi ito nagpapakita ng anumang senyales ng pag-aalboroto.

Tinawag din ng Phivolcs na “fake news” ang kumakalat na post sa social media na nagsasabing may pagsabog sa naturang bulkan sa Camiguin Island. Dahil dito, nanawagan ang ahensya sa publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong nababasa online.

Hinimok ng Phivolcs ang publiko na huwag basta maniniwala o magbabahagi ng mga ulat na hindi nagmumula sa opisyal na DOST-Phivolcs, dahil maaari itong magdulot ng kalituhan, takot, at maling alarma.

Advertisement
Advertisement