Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatutupad na simula Abril 30 ang pinalawak at mas mataas na maternity benefits ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa isang video message, sinabi ng Pangulo na layunin ng hakbang na mapalakas ang benepisyo para sa mga ina at masigurong may sapat na suportang medikal ang mga Pilipino sa panahon ng panganganak.

“Simula April 30, mas pinalawak at mas mataas na ang maternity benefit ng PhilHealth,” ani Marcos.

Hindi pa inilalatag ang kumpletong detalye ng dagdag na benepisyo, ngunit inaasahang makatutulong ito sa pagpapababa ng gastusin ng mga benepisyaryo sa maternity care.

Advertisement
Advertisement