NAGA CITY- Sumuko sa tropa ng gobyerno ang vice squad leader ng New Peoples Army (NPA) Guerilla Front Cesar ng Rizal at Bulacan.

Kinilala ito na si alias Zion na nasa leadership position at Platoon 4A4’s Segunda Squad.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa 2ID, Philippine Army Camp General Mateo Capinpin ng Tanay, Rizal napagalaman na sumuko ito sa parte ng 2nd Infantry Division, 7th Infantry Division at Bulacan Police ng San Jose Del Monte City.

Dala ang isang 5.56mm Bushmaster Automatic Rifle na mayroong ammunition.

Advertisement

Samantala sa naging pahayag naman ni Colonel Alex Rillera, Commander ng 202nd Infantry Brigade sinabi nito na inaasahan na umano nila ang pagsuko ng nasabing rebelde dahil sa nagpapatuloy na operasyon ng gobyerno ay naubusan narin ang mga ito ng lugar na mapagtataguan.

Habang sinabi naman nito na ang pagsuko ng nasabing rebelde ay isa lamang na hakbang tungo sa pagiging malaya ng bansa sa banta ng mga comunistang groupo.Top

Advertisement