NAGA CITY- Nag-apela ngayon ang Police Regional Office 5 sa mga netizens na tigilan na ang pagpapakalat ng maling impormasyon kaugnay ng
totoong kalagayan ng Bulkang Mayon sa Albay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng PNP-Bicol, sinabi nitong taong 2018 pa nang manatili sa ilalim ng
alert level 2 ang naturang bulkan at walang balita tungkol sa abnormalidad nito.
Ayon kay Calubaquib, mas mabuti na magfocus na lamang sa kasalukuyang nangyayari lalo na ang pag-alboroto ng bulkang Taal at kung paano
makakatulong sa mga biktima nito.
Binigyan diin ni Calubaquib na dapat na gamitin ang social media sa pagbibigay ng mga makatotohanang balita sa halip na mga fake news para
maiwasan ang pagdadala nito ng takot at pangamba sa publiko.
Kung maaalala, una nang lumabas ang mga impormasyon sa social media sa umano’y abnormalidad sa Bulkan Mayon kasabay ng pag-aalboroto ng
Bulkang Taal.