NAGA CITY- Maliban sa mga bulaklak, isa rin sa nagin pasabog kahapon sa lungsod ng Naga ang pamimigay ng mga condoms ng Philippine National Police kasabay ng Araw ng mga Puso.

Nabatid na pinangunahan ni PMaj. Ireneo Andalis Jr., Station Commander ng Naga City Police Office-Station 2 kasama ang kapulisan ang pamimigay ng mga condoms sa mga terminals, Bangko, RTC, MTC sa mga highway kasabay ng kanilang Oplan Sita.

Ang naturang mga condom ang mula pa sa siyam na barangay at City Health Office.

Layunin nito na makatulong hindi lamang sa pag-iwas sa krimen ngunit maging sa sakit.

Kaugnay nito, napagkatuwaan ng mga tao ang naturang aktibidad ng kapulisan.

Samantala, ang iba naman gaya ng lokal na pamahalaan ng lungsod, Land Transportation Office at iba pang ahensya ang namigay din ng mga bulaklak sa publiko kasabay ng naturang aktibidad.