Photo © web

Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang panukalang itaas mula 10% hanggang 20% ang quota para sa mga kababaihan sa hanay ng pulisya, bilang hakbang upang mas mapalawak ang kanilang partisipasyon sa law enforcement.

Ayon kay Police Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., bukas ang PNP na dagdagan ang bilang ng mga babaeng pulis upang mas marami ang makapaglingkod sa iba’t ibang tungkulin sa ahensya.

Kasama sa proposal ang pagbabago sa quota na naglalayong palakihin ang representation ng kababaihan, kasunod ng ilang panukalang batas na ipinasa sa Kongreso na nagtataguyod ng mas aktibong partisipasyon ng babae sa law enforcement.

Sa kasalukuyan, may kabuuang 43,847 uniformed personnel, 8,098 non-uniformed staff, at 278 kadete ang PNP. Patuloy na lumalago ang bilang ng mga babaeng pulis na may mahalagang papel mula sa field operations hanggang sa mga senior positions sa ahensya.

Advertisement
Advertisement