Pinaghahahanap na ng Philippine National Police ang umano’y “online groomer” na pinaghihinalaang nasa likod ng pang-iimpluwensiya sa pananaksak ng 12 años na mag-aaral sa dalawa nitong kaklase sa isang mababang paaralan sa Caloocan City.Balitang Pilipinas

Inatasan ng hepe ng PNP na si PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang Anti-Cybercrime Group (ACG) na tuntunin ang indibidwal na umano’y nakipag-ugnayan sa naturang menor de edad sa pamamagitan ng online gaming platform na Roblox at social media platform na TikTok.

Inaalam din ng mga awtoridad kung sa Pilipinas ba nakabase ang umano’y naturang online groomer o nasa abroad.Balitang Pilipinas

Bagama’t lumalabas naman sa inisyal na imbestigasyon na biktima umano ng bullying ang 12 años, kasalukuyan pang tinutukoy ng hanay ng PNP ang motibo sa likod ng insidente.

Advertisement
Advertisement