NAGA CITY- Hindi bababa sa siyam na poste ng kuryente ang natumba matapos na sumabit ang PNR train sa isang kabli sa Greenland, Concepcion Pequeña Naga City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Rinner Bucay, tagapagsalita ng Casureco II, sinabi nito na ang nasabing train ay may sakay na mga Locally Stranded Individuals (LSIs) mula sa Metro Manila.
Ayon kay Bucay inaalam pa umano ng ahensya kung ang linya na sumbit sa nasabing sasakyan ay isang cable wire o mula sa isang telephone company.
Dahil dito, maraming residente ang nakaranas ng pagkawala ng kuryente sa nasabing lugar kung saan tinatayang aabotin pa umano ito ng tatlong araw.
Sa ngayon nasa 75% na umano ang napailawan na na mga residente sa nasabing lugar habang 35% naman ang nanatiling wala pang kuryente.













