NAGA CITY – Binigyan-diin ng isang International Environmentalist na malaking bahagi ang political will ng isang lider para sa pag-aalaga sa paligid lalo na sa mga kabundukan sa Pilipinas.

Sa panayam ng Radyo Naga kay Reyson Raymundo, isang Environmentalist na nakabase sa Peru, sinabi nito na magaganda umano ang environmental laws ng bansa ngunit kulang ito sa implementasyon kung kaya hindi ito nagiging matagumpay.

Aniya, kada taon, ekta-aktarya ang nawawalang kagubatan sa bansa ayon na rin sa datos ng DENR at kung wala umanong matibay na programa pagdating sa pangangalaga sa kalikasan ang isang pinuno lahat ng tao ay maapektuhan.

Halimbawa na lamang, aniya na sakaling masira na ng tuluyan ang mga kagubatan posibleng bumagsak rin ang ekonomiya ng Pilipinas, maapektuhan rin nito ang pinagkukunan ng mga raw materials, medisina at pagkain ng mga tao.

Advertisement

Maliban pa dito, posible rin itong maging dahilan upang ma-extinct ang lahi ng mga hayop at masira ang water shed sa bansa.

Kaugnay nito, nagsisimula talaga umano sa matibay na political will ng isang lider upang masolusyonan ang problema sa kapalibutan.

Pwede naman umanong tingnan at pag-aralan ng mga magiging bagong lider ng bansa ang mga pag-aaral ng mga environmental researchers at dito kumuha ng ideya kung paano masasagot ang mga problema ayon na rin sa mga rekomendasyon dito.

Samantala, napapanahon na rin umano upang mabigyan ng tamang impormasyon ang mga magsasaka lalo na ang mga nasa liblib o malalayong bayan o barangay sa bansa hinggil sa konsepto ng agroforestry at bigyang diin rin ang tamang pag-aalaga sa ating kalikasan.

Advertisement