Itinala ng Department of Energy (DOE) ang presyo ng petrolyo sa Pilipinas bilang all-time high matapos ang ikalawang sunod na bigtime price hike, ayon kay Secretary Sharon Garin.
Ayon kay Garin, ito ang pinakamataas na magkasunod na pagtaas ng presyo sa kasaysayan ng bansa, at kapag tuluyang naging epektibo, maituturing na rin itong pinakamataas na presyo ng mga produktong petrolyo. Posibleng mas mataas pa ang presyo sa mga lugar na malayo sa National Capital Region dahil sa mas mahabang transportasyon ng supply.
Naging epektibo ang unang bigtime price hike noong Marso 10, ilang araw matapos sumiklab ang giyera sa Middle East, at kasunod nito, ipinatupad ang ikalawang bugso nitong Marso 17.
Sa kabuuan, tumaas ng halos P50 ang diesel, higit P42 sa kerosene, at mahigit P25 sa gasolina. Ang sunod-sunod na pagtaas ay nagdulot ng matinding epekto sa presyo ng enerhiya sa bansa.














