NAGA CITY- Nakahanda na ngayon ang Police Regional Office 5 sakaling mangailangan ng tulong ang Police Regional Office 4A dahil sa lumalalang pag aalburuto ng bulkang Taal.
Sa ipinaabot na impormasyon ni PMaj. Malu Calubaquib , tagapagsalita ng Police Regional Office 5 sa media sinabi nito na mahigit 190 personnel ang ipapadala sa lugar kung saan binubuo ito ng Search And Rescue(SAR), Regional Standby Security Force (RSSF), at Disaster Incident Management Task Group (DIMTG).
Una rito kinompirma ng PRO5 na magpapadala rin sila ng aabot sa 1000 pirasong N95 Mask para sa mga police rescuers ng PNP Calabarzon na nakaantabay dahil sa pagaaluburoto ng nasabing bulkan.
Sa ngayon patuloy naman umanong naka antabay ang kapulisan ng Bicol para sa agarang pag responde rito.