NAGA CITY- Sinuspinde na ngayon ng Archdiocese of Caceres ang lahat ng pampublikong misa simula ngayong araw Marso 14 hanggang Marso 20, 2020.

Ito’y kaugnay pa rin ng lumalala at dumaraming kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Sa ipinalabas na pahayag ng Archdiocese, ito’y bilang pag-iingat sa pagkalat ng nasabing sakit.

Kaugnay nito, ang lahat naman ay inabisuhan na sundin pa rin at panatilihin ang mga espiritwal na mga obligasyon sa kani-kanilang mga tahanan.

Samantala, mapapanood naman ang live streaming ng misa sa kanila mismong facebook page.