NAGA CITY – Arestado ang isang public school teacher sa anti-illegal drug operation ng mga otoridad sa Sitio Dorog, Barangay San Roque, Calabanga, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Ruel Indicio, 41-anyos, residente ng lungsod ng Naga.

Sa inisyal na impormasyon ng Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na nahuli si Indicio sa naturang operasyon kung saan nakumpiska rito ang pitong medium size sachet ng pinaniniwalaang shabu at ang ginamit na buy bust money.

Sa eksklusibong panayam naman ng Bombo Radyo Naga kay Indicio, pinabulanaan nito na sangkot siya sa ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Indicio, pumunta lamang siya sa Calabanga para humiram ng pera sa kanyang kaibigan at pauwi na sana sa Naga nang sinalub0ng siya ng operating team at doon na nangyari ang operasyon.

Nanindigan si Indicio, na tinaniman lamang siya ng iligal na droga dahil wala naman aniya siyang kinalaman sa naturang iligal na gawain.

Sa ngayon, nananatili na sa kustodiya ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.