Photo © web

Hinimok ni Atty. Lorna Capunan ang publiko na maging maingat sa mga impormasyong kumakalat online kaugnay ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte, kasabay ng babala sa umano’y paggamit ng “online troll armies” upang magpakalat ng paninira.

Ayon kay Capunan, dapat suriin ng publiko ang kredibilidad ng mga impormasyon sa social media lalo na sa gitna ng umiinit na isyu ng impeachment, dahil maaaring ginagamit ang online platforms para siraan ang mga institusyon ng gobyerno.

Giit niya, habang nagpapatuloy ang pagdinig sa Kamara, mahalaga ring tutukan ang iba pang mahahalagang isyu ng bansa upang hindi maapektuhan ang mas malawak na governance agenda.

Samantala, binigyang-diin ni Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima na dapat umiwas ang Supreme Court of the Philippines sa pakikialam sa impeachment process na isinasagawa ng Kongreso.

Advertisement

Ayon kay De Lima, dapat pairalin ang “judicial restraint” dahil malinaw umano ang mandato ng House Justice Committee sa pagproseso ng impeachment cases.

Umaasa rin siya na hindi maglalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema na posibleng magpahinto sa impeachment proceedings, at iginiit na ito ay saklaw ng “exclusive power” ng Kamara.

Advertisement