NAGA CITY- Sugatan ang isang pulis matapos aksidenteng nabaril ang sarili sa bayan ng Real, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Glenn Delfin Baldemora Yasoña, 27-anyos na naka-assign sa Third Platoon Base 405th A MC, RMFB4A.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na habang naglilinis ng kanyang issued 9mm firearm si Yasoña sa loob ng nipa hut sa CIPSO patrol base sa Brgy. Pandan nang aksidente nitong nakalabit ang gatilyo ng baril.

Tinamaan sa kanyang kaliwang palad ang pulis na tumagos hanggang sa kanyang binti.

Advertisement

Kaugnay nito, agad namang itinakbo sa ospital ang nasabing police officer.

Advertisement