Arestado ang Rank No. 3 Provincial Most Wanted Person sa Camarines Sur matapos ang operasyon ng pulisya noong Abril 17, 2026 bandang 9:30 ng umaga sa bayan ng Baao.

Kinilala ang suspek sa alyas “Gani,” 47-anyos, tricycle driver at residente ng Barangay San Juan sa nasabing bayan. Siya ay inaresto ng pinagsanib na pwersa ng tracker team ng Calabanga Municipal Police Station at Baao MPS.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng apat na bilang ng kasong rape na may rekomendasyong walang piyansa.

Isinagawa ang operasyon sa maayos na paraan at naitala gamit ang Alternative Recording Device (ARD) bilang bahagi ng transparency at tamang proseso ng Philippine National Police.

Advertisement

Ayon sa ulat, agad na ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal matapos ang pag-aresto, at kasalukuyan na siyang nasa kustodiya ng mga awtoridad para sa kaukulang disposisyon.

Sa isinagawang beripikasyon sa CIRAS at enhanced E-warrant system, lumabas na wala siyang iba pang nakabinbing kaso o warrant of arrest.

Advertisement