NAGA CITY – Nakabandera na ngayon ang red alert status sa lalawigan ng Camarines Sur.
Ito’y kaugnay ng posibleng epekto ng Bagyong Odette sa naturang lalawigan.
Sa ibinabang memorandum no. 2 ni CamSur Governor Migz Villafuerte, nakasaad dito na dahil sa naitatalang pag-uuan sa lalawigan, mayronng posibilidad nin posibilidad na makapagtala ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Dahil dito, pinaalerto na rin ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) response gayundin ang lahat ng mga emergency operations center na dapat nakabukas 24/7 sakaling may mangailangan ng tulong.
Mahigpit naman na ipinagbabawal ang pagpapalaot at iba pang mga water activities.
Inabisuhan na rin ang lahat ng mga residente na nakatira sa mga delikadong lugar o mga nasa high risk areas na agad magsagawa ng pre-emptive evacuation.
Sa ngayon, nakabandera na sa Typhoon Cyclone Signal No. 1 ang bupng lalawigan ng Camarines Sur.
Samantala, sa iba namang na bahagi ng Bicol Region, nasa Typhoon Cyclone Signal No. 1 din ang Camarines Norte, Albay, Sorsogon at Catanduanes habang nasa Typhoon Cyclone Signal No. 2 naman ang Mainland Masbate at Ticao Island.