Iginiit ni Rep. Gerville Luistro na mas mahalaga ang aktuwal na aksyon kaysa sa tawag sa proseso sa paghusga sa impeachment proceedings laban kay VP Sara Duterte.

Ayon kay Luistro, hindi dapat ibatay sa label kung konstitusyonal ang proseso kundi sa mga hakbang ng komite na sumusunod sa impeachment rules. Ito ay kasunod ng isyu sa pagtawag niya sa pagdinig bilang “mini-trial,” na kinuwestiyon ng kampo ni Duterte.

Binigyang-diin ng mambabatas na ang ginaganap sa House Committee on Justice ay isang “hearing proper” o clarificatory hearing na maihahambing sa preliminary investigation, at hindi pa ang pormal na paglilitis.

Dagdag pa niya, kapag napatunayang may probable cause, maaaring iakyat ang kaso sa plenaryo ng Kamara para sa botohan at kalaunan ay ipasa sa Senado para sa pormal na impeachment trial.

Advertisement
Advertisement