NAGA CITY- Nagpapatuloy parin umano ang rescue operation ng mga otoridad sa nangyaring pagkadiskaril ng isang train sa Hualien County, Taiwan.
Nabatid na umabot na sa mahigit 50 katao ang dineklarang binawian ng buhay habang marami parin rito ang patuloy na pinag hahanap mula sa 490 na pasahero.
Sa report ni Bombo International Correspondent Aida Tongga, mula sa Taichung Taiwan sinabi nito na kasama sa mga biktima na binawian ng buhay ang isang 6-anyos na menor de edad.
Ayon kay Tongga, ang nasabi umanong lugar ng pinangyarihan ay malapit sa isang contruction site na ginagawang proyekto upang maiwasan ang landslide.
Kung saan marami umanong mga contruction equipment rito na ginagamit sa nasabing proyekto tulad na lamang ng mga truck.
Sinasabing umatras umano ang isang truck mula sa contruction site dahil sa hindi maayos na pagkakapark rito at nahulog sa riles ng train na nag resulta rin ng madugong trehedya.
Dagdag pa nito dahil sa bilis ng takbo ng nasabing train ay naging malakas rin ang impact nito na nag resulta ng pagkakawasak ng halos limang bagon.
Sa ngayon laking pasasalamat nalamang umano na walang nadamay na mga pinoy sa naturang insidente.