NAGA CITY- Sa loob ng dalawang araw mula ng simulan ang remote enrollment ng Department of Education (DepEd)-Bicol, nasa 2% na umano ang mga nakapag-enroll.

Ang naturang biilang ang katumbas ng halos 30,000 na mga mag-aaral sa rehiyon.

Sa isinagawang virtual press briefing, sinabi ni Dr. Gilbert Sadsad, Regional Director ng DepEd Bicol na nasa 1.6 milyon pa na mga mag-aaral ang inaasahan nilang magpapa-enroll para sa darating na school year.

Ayon kay Sadsad, ang naturang 2% ang mula pa lamang sa urban areas dahil hindi pa nakakapagsimula sa ibang mga lugar sa mga lalawigan ng Masbate at coastal areas ng Camarines Sur at Catanduanes.

Advertisement

Kahapon ng una nang ipinaliwanag ni Sadsad ang mga protocols na gagawin ng naturang ahensya para sa magbubukas ng School Year.

Nilinaw din nito na sakaling ipatupad ang online classes, walang dapat na ipag-alala ang mga magulang dahil hindi aniya oobligahin ang mga magulang na bumili ng mga gadgets na magagamit ng mga bata.

Advertisement