NAGA CITY – Dagdag lamang umanong pasakit sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang mga ipinataw na sanctions sa Russia ng mga mayayamang bansa dahil pa rin sa pang-aatake nito sa Ukraine.
Sa ulat ni Bombo International News Correspondent Alma Arcilla mula sa Russia, sinabi nito na nagkakaroon umano ang mga ito ng problema sa pagpapadala ng pera sa kanilang mga kapamilya sa Pilipinas dahil sa mga bank sanctions.
Mababatid na kasama sa mga nagpataw ng sanction sa Moscow ang Estados Unidos, European Union, United Kingdom at Canada.
Dagdag pa ni Arcilla tumaas din aniya ang presyo ng mga bilihin sa Russia na nakakapadagdag din ng hirap na kanilang nararanasan bilang OFW.
Samantala, sa kabila naman ng kaguluhan sa pagitan ng dalawang bansa, nananatili namang mapayapa ang isinasagawang Overseas Absentee Voting (OAV) sa lugar.
Ani Arcilla, maayos at maganda ang pamamalakad embahada ng Pilipinas kaugnay ng botohan.
Nasa mahigit 2,000 na mga Pilipino ang registerd voters sa bansang Russia.