NAGA CITY- Nasa state of decomposition na ng matagpuan ang katawan ng isang sanggol sa Brgy. Dalahican, Lucena City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nagbabantay ng kanyang alagang baka ang kinilalang si Arnold Abadilla, 48-anyos, residente ng nasabing lugar ng makita nito ang katawan ng sanggol sa madamong bahagi ng Purok 7 Sta. Teresa Looban, Brgy. Dalahican, sa naturang lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na ang natagpuang sanggol ang nag-eedad 5 hanggang 7 buwan na at nababalot sa isang damit.

Samantala, kaagad naman na inireport ni Abadilla sa mga kapulisan ang patungkol sa sanggol.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad patungkol sa nasabing insidente gayundin ang pagtukoy sa nag-abandonang Ina ng naturang sanggol.