NAGA CITY – Patay na ng matagpuan ang isang sanggol na babae sa Labo, Camarines Norte.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office, napag-alaman na isang Jose Jubella, 43-anyos ang nakadiskubre sa katawan ng naturang sanggol.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na habang naglilinis ang naturang indibidwal, dito na nito natagpuan ang wala ng buhay na sanggol.

Ayon pa sa imbestigasyon, bago pa ang naturang insidente, nakarinig na ito ng iyak ng sanggol ngunit hindi niya ito pinansin dahil sa lakas ng ulan.

Samantala, pinaniniwalaan naman na ang narinig na umiiyak na sanggol at ang ang natagpuang wala ng buhay, ay iisa lamang.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.