Binigyang-diin ng P-pop supergroup SB19 ang kahalagahan ng respeto, kabaitan, at maayos na diskurso sa pagitan ng mga tagahanga sa gitna ng patuloy na pag-usbong ng “fandom wars” sa music industry.

Sa isang media conference kasama ang Japanese boy group BE:FIRST, sinabi ni Ken ng SB19 na hindi na nila kontrolado ang mga negatibong komento online, ngunit nanawagan siya ng “spread love” at pag-iwas sa masasakit na salita.

Giit niya, mahalagang isaalang-alang ang epekto ng mga pahayag sa iba dahil maaari itong makasakit, at mas magiging maayos ang komunidad kung mananaig ang kabaitan.

Ayon naman kay Josh, hinihikayat ng grupo ang kanilang fans na panatilihin ang makabuluhan at maayos na diskusyon sa halip na bangayan, at gamitin ang plataporma upang magpaliwanag nang may respeto.

Advertisement

Samantala, inaasahan ang malakas na suporta ng kanilang fanbase na tinatawag na A’TIN sa nalalapit na “Wakas at Simula” concert ng SB19 sa SMDC Festival Grounds, na magsisilbing pagtatapos ng kanilang tour.

Makakasama rin sa lineup ang BE:FIRST, na nakatrabaho ng SB19 sa kantang “Toyfriend,” bilang bahagi ng kanilang patuloy na kolaborasyon sa international music scene.

Advertisement