NAGA CITY- Patay ang isang drug personality matapos ang isinagawang Search Warrant na nauwi sa Armed Confrontation sa Barangay Itangon, Bula Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Raymund Soreta, 28-anyos residente ng Sitio Niño, sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na kabilang si Soreta sa itinuturing bilang Regional Recalibrated Priority Database pagdating sa illegal na droga sa naturng lugar.

Batay sa imbestigasyon narecover sa nasabing suspek ang 36 na piraso ng small and medium heat sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu, Cal. 45 Pistol kasama na ang ilang mga bala at mga drug paraphernalia.

Samantala, una rito, nakatunog umano ang suspek na pulis ang kaniyang katransaksyon kung kaya agad nitong pinaputukan ang mga otoridad habang tumatakas pabalik sa kanilang bahay.

Dahil dito, nagkaroon ng palitang ng putok sa pagitan ng suspek at ng mga otoridad na nagresulta ng agarang pagkamatay ng suspek.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.