NAGA CITY- Nilinaw ngayon ng kalihim ng Department of Science and Technology (DOST) ang sa pag baba ng budget ng ahensya para taong 2020.

Sa pagharap ni Sec. Fortunato Dela pena ,Secretary ng Department of Science and Technology (DOST) sa isinagawang 2019 RSTW and BRICE o Regional Science and Technology Week and Bicol RegionalInvention Contest and exhibits sa isang paaralan sa Naga City, Sinabi nito na hindi binawasan ang kanilang research and development budget ngunit hindi rin umano tumaas.

Ito ay dahil sa hindi na umano binigyang pansin ang kanilang bagong mga proposal ng Department of Budget and Management (DBM).

Ayon kay Dela pena ang gusto lang sana nila ay maintindihan sila ng DBM na ang science and technology ay hindi cost center kung hindi ay isang investment.

Advertisement

Samantala ayon pa kay Dela pena bumaba ang 2020 national budget dahil sa mga infrastracrture ng mga nag daang taon na natapos na. kung saan ayon pa dito, kung hindi nag bago ang 2020 national budget mayroon sana itong P4.180B budget ang ahensya.

Advertisement