CEBU CITY – Nasawi ang isang lalaki habang sugatan ang isa pa matapos silang barilin ng isang security guard na umano’y matagal nang nakararanas ng pambubully mula sa mga biktima, ayon sa pulisya.

Batay sa ulat, nakaupo sa gilid ng kalsada ang dalawang biktima nang bigla silang paputukan ng 48-anyos na suspek. Agad na nasawi ang isa habang isinugod naman sa ospital ang sugatan nitong kasama.

Matapos ang insidente, tumakas ang suspek ngunit kalaunan ay naaresto rin ng mga awtoridad. Narekober din ang kaniyang service firearm na pinaniniwalaang ginamit sa pamamaril.

Ayon sa pulisya, inamin ng suspek na matagal na umano siyang binu-bully ng mga biktima, ngunit patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente habang wala pa itong pormal na pahayag.

Advertisement
Advertisement