Photo © web

Inihayag ni Senador Erwin Tulfo na target magsimula sa Hulyo 6 ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte matapos umano itong mapag-usapan sa caucus ng mga senador.

Ayon kay Tulfo, ipinrisinta na ni Senate President Senador Alan Peter Cayetano ang panukalang iskedyul kung saan magkakaroon muna ng regular session ang Senado sa umaga bago ituloy ang impeachment proceedings tuwing hapon mula Lunes hanggang Miyerkules.

Samantala, tinutulan ni Tulfo ang mungkahi ni Senador Rodante Marcoleta na payagang makaboto si Senador Ronald dela Rosa sa impeachment proceedings kahit hindi ito pisikal na makadalo.

Giit ni Tulfo, kinakailangang personal na present ang isang senador upang makilahok sa proseso ng impeachment trial.

Advertisement

Matatandaang nahaharap si Dela Rosa sa usapin kaugnay ng warrant of arrest ng International Criminal Court matapos ding ibasura ng Supreme Court of the Philippines ang kanyang hiling na temporary restraining order (TRO).

Ayon pa kay Tulfo, hinihintay pa ng mga senador ang magiging direksyon ng Senate leadership hinggil sa naturang usapin.

Advertisement