Tinuligsa ni Senador Imee Marcos si Ramil Madriaga matapos nitong igiit ang umano’y “term-sharing” deal sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte, at tinawag siyang “sinungaling” habang nanawagan sa Pangulo na linawin ang isyu.

Sa isang press conference, mariing itinanggi ni Sen. Marcos ang alegasyon ni Ramil Madriaga tungkol sa umano’y kasunduan na paghahati ng termino sa pagitan ng Pangulo at Bise Presidente.

Ayon sa senadora, walang ganitong kasunduan at wala ring batayan ang paratang. Iginiit niya na sa mga pag-uusap noong 2021, mas isinusulong pa umano nila na tumakbong presidente si Sara Duterte at hindi bise presidente.

“Sinungaling ka, Madriaga,” mariing pahayag ni Marcos.

Advertisement

Dagdag pa niya, walang kinalaman si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang usapin at hindi nito alam ang anumang ganitong arrangement.

Nanawagan din ang senadora sa Pangulo na magsalita at itama ang mga alegasyon upang hindi makalat ang maling impormasyon sa publiko.

Giit pa niya, hindi siya mananahimik sa gitna ng mga paratang at iginiit na dapat mapigilan ang paggamit ng mga maling impormasyon sa pulitika at sa mga pagdinig sa Kongreso.

Advertisement