Opisyal nang nahalal si Sherwin Gatchalian bilang bagong Senate President matapos makuha ang kinakailangang boto at quorum na 13 sa 24 na senador sa isinagawang special session ng Senate of the Philippines ngayong Miyerkules.

Mula sa pagiging Acting Senate President Pro Tempore, pormal nang umakyat si Gatchalian sa pinakamataas na posisyon sa Mataas na Kapulungan matapos ang pagbabago sa hanay ng mga senador na bumubuo sa mayorya.

Ang halalan ay isinagawa matapos kumpirmahin nina mga senador na kabilang sa bagong alyansa na umabot na sa 13 ang kanilang bilang, kabilang ang paglipat ni Joel Villanueva sa kanilang hanay.

Nauna nang nag-concede si dating Senate President Alan Peter Cayetano matapos niyang tanggapin na hindi na niya hahadlangan ang proseso ng pagpili ng bagong liderato ng Senado.

Advertisement

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Cayetano na ang mga posisyon sa pamahalaan ay pansamantala lamang at nangako siyang ipagpapatuloy ang kanyang tungkulin bilang lingkod-bayan.

Samantala, inaasahang haharapin ni Gatchalian bilang bagong Senate President ang mga nakabinbing panukalang batas at mahahalagang usapin sa bansa, kabilang ang mga hakbang na may kaugnayan sa ekonomiya, serbisyo publiko, at iba pang prayoridad ng pamahalaan.

Ang pagbabago sa liderato ay nagmarka ng panibagong yugto sa pamunuan ng Senado matapos ang ilang araw na tensyon sa usapin ng proseso at legalidad ng pagbabago ng pamumuno ng kapulungan.

Advertisement