NAGA CITY- Patay ang isang senior citizen matapos mabangga ng motorsiklo sa Brgy. Antonino, Dolores, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Estrella Dejan, 79-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na habang tumatawid ang biktima sa kalsada ng aksidente itong mabanggan ng motorsiklo na pinagmamaneho ni alyas Limuel, 38-anyos, residente ng Brgy. San Mateo, Dolores.

Agad naman sanang dinala sa ospital ang biktima para sa asistensya medikal ngunit sa kasamaang palad, tuluyan itong binawian ng buhay habang ginagamot ng mga doktor dahil sa malalang head injuries.

Sa ngayon ay paalala na lamang ng mga awtoridad na palaging mag-ingat habang nasa kalsada at palaging tingnan ang magkabilang bahagi ng kalsada upang makaiwas sa kahalintulad na aksidente.