NAGA CITY – Patay ang isang lolo matapos na mabangga ng sasakyan sa Lopez, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Cesar Tarronas Canimo, 66-anyos, residente ng Brgy. Burgos sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon kan Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nag-ja-jogging ang biktima sa Lopez Diversion road nang mabangga ito ng sasakyan na minamaneho ng hindi pa nakikilalang suspek na patungo naman sa norteng direksyon ng lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa nasabing insidente, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.