NAGA CITY- Patay ang isang senior citizen matapos mabagsakan ng puno ng niyog ang nipa hut na kaniyang tinitirhan sa kasagsagan ng bagyong Quinta sa Quezon.

Kinilala ang biktima na si Gloria V. Rivas, 70-anyos, residente ng Barangay Cagsiay 3, Mauban, sa naturang lalawigan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natutulog ang biktima sa naturang lugar ng mabagsakan ng puno.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na dahil sa insidente, ito ang naging dahilan ng agarang kamatayan ng biktima.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.